Mga kaibigan,
ayon sa aking friend na genius na genius
na si Mr. Webster’s Encyclopedic Dictionary of the English language
dahil super kapal talaga ng pages niya
eh ang faith daw..yun yung “trust, confidence, complete acceptance of a
truth which cannot be demonstrated or provoked by the process of logical
thought, religious faith, a religion based upon this, the virtue by which a
Christian believes in the revealed truths of God”, and that would be all, thank
you. So ayan, dahil yan ang definition ni friend, jan na iikot ang blog ko-kung
blog na nga ba tong matatawag siguro..hihi
So ayon, san ba
tayo magsisimula?Eh di malamang sa simula nga.haha.. Ang pinagmulan ng
Lahat..ng lahat lahat. Ayon sa aking paniniwala, dahil ako ay isang faithful
believer and follower of God (naks.proud!haha) eh siyempre maguumpisa tayo kay
God.
Sinong Diyos mo?
Kilala mo ba siya? Nakita mo na ba siya?
Ako hindi pa nga ee.. pero kahit na naniniwala pa rin ako sa kanya..Faith nga
ehJ. Please feel free to meet my God.. Si Lord.
Ayan siya oh,, sa tabi mo,, kasama mo siya lagi hindi ka niya iiwan. Sigurado
ba ako? Oo naman, mahal na mahal ka ni Lord.. kasi mahal na mahal niya din
ako..Ii wan ka nang lahat o sabihin nating iniwanan ka na ng lahat pero si God,
andiyan pa rin..kahit ilang beses na siyang nasaktan dahil sa mga kasalanan
natin sa kanya..oo martir na kung martir pero ganyan talaga siya magmahal
unconditional.Samantalang tayo go lang ng go ..enjoy ditto enjoy don kahit alam
nating bad na kahit alam nating nasasaktan na siya kasi alam nating patatawarin
pa rin tayo.. kasi nga diba anak niya din tayo. Eh sa tingin mo unfair naman
yun diba?Pagkatapos isacrifice ni God ang kaisa-isang anak niya,, rember mo nung
ipako si Jesus Christ sa krus..anu daw sa feeling yun noh?Yung hirap na hirap
na siya dahil sa bigat ng krus na binuhat niya habang naglakad ng pagkahaba
haba papunta sa bundok na pagpapakuan sa kanya, na ang tumutulo sa kanya, imbis
pawis dugo na..tas yung tipong namuo na yung dugong lumabas mula sa mga sugat
niya. Na habang naglalakad siya na hirap na hirap, duguan, grabeng pagdurusa eh
hinahagupit pa siya ng latigo ng mga demonyong (oo demonyo na nga sila) mga tao
na yun, dinuduraan, binabato literally ng bato at ng mga salitang foul na foul
na talaga..sa tingin mo masakit kaya yun? Oo naman! Ang manhid mo naman ata
kung sasabihin mong okay lang yun sa
kanya kasi nga anak siya ng Diyos, malakas siya kaya niya lahat. Eh baliw ka
pala ee. Diba nga mortal siya nung mga panahong yon? Pero sa totoo lang kayang
kaya niya naman talaga yun. Napakapowerful nga niya diba..ang kaso nagawa
niyang igive-up ang pagkalakas lakas na kapangyarihan niya para sayo, para
sakin, at para sating lahat!Gets?
So,
nakikipag-away na ba ako? Hindi naman ah, bad yun:P.Ang gusto ko lang sabihin,,
pakabait naman tayo kahit unti unti, highly appreciated na yun ni God. Prince and Princess tayo eh, tagapagmana ng
kaharian, though not literally but we are called as prince and princesses
because our father is the King of Kings.
Ako hindi naman
ako perfect, natural wala naman talagang perfect kundi si God lang. Hindi naman
din ako santo para maging ganon kabait, ang sakin lang..hmm..anu nga ba…eh wag
naman tayong manhid..yung tipong ilang beses na tayong sinasabihan na I love
you ni Lord, hindi man lang tayo nagi-I love you too. Satin nga masakit yun
diba yung tipong binabalewala ka?diba? lalo naman kay God eh sobra sobra kung
magmahal yun, lahat lahat ng sa kanya binibigay.. Yung pasayahin naman natin
siya, Mag I love you too tayo sa kanya, ihonor natin siya, yung simpleng
pasalamatan lang siya at magsorry tayo sa mga faults natin , sobrang sasaya na
nun si God. Yung tipong kakausapin natin siya hindi lang dahil sa may kailangan
tayo sa kanya kundi dahil sa gusto nating makausap siya..Yung ifaflatter natin
siya hindi lang dahil responsibilidad natin kundi dahil mahal natin siya.
Minsan ipikit naman natin ang ating mata mula sa mundong ito at simulang
hanapin ang ating Diyos mula sa ating mga puso. Yun Yun ee! So Amen ba don??:DD